Idinaos kamakailan sa Kunming, probinsyang Yunnan ng Tsina, ang Unang Roundtable Meeting ng Vocational Education League sa Lancang-Mekong River na dinaluhan ng mga opisyal ng departamento ng edukasyon ng Tsina, Laos, Cambodia, Myanmar, Thailand, at Biyetnam. Nagkasundo sila sa pagbuo ng Vocational Education League.
Ang pagbuo ng nasabing liga ay nasa pagtataguyod ng Yunnan Minzu University, at layong nitong pagtipun-tipunin ang mga vocational education resources ng anim na bansa sa Lancang-Mekong River, hubugin ang mga talento, pasulungin ang kanilang kooperasyong pansiyensiya't panteknolohiya, pagpapalitang pangkultura at akademiko. Layon din nitong magkaloob ng human resources sa pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa rehiyong ito.
Salin: Li Feng