NANINIWALA si dating Congressman Neri Colmenares na madaragdagan ang mga protesta sa susunod na taon dahilan sa 'di pagkakaroon ng katotohanan sa mga pangakong nagmula sa mga labi ni Pangulong Duterte
Sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido, sinabi ng dating mambabatas na kabilang dito ang pagpapatuloy ng kontraktuwalisasyon. Marami na rin umanong mga abogado ang nagtatanong kung ano na ang nagaganap at tila wala ng paggalang sa batas. Marami na ring mga sektor ang inaasahang gagalaw tulad ng Simbahan. Makakasama na rin ang mga mangangalakal at mga propesyunal.
Wala rin umanong naganap na pagbabago sa iba't ibang usapin kasama na ang sinasabiNg independent foreign policy.
Naniniwala naman si dating Governor at Member of Parliament Homobono Adaza na magkakaroon ng bagong umaga sa 2017. Sa panig ni dating Defense Secretary Norberto Gonzales, sinabi niyang madadali ang mga pagbabago kung mayroong kapani-paniwalang oposisyon.