IBINALITA ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines at Truck Manufacturers Association of the Philippines na umabot sa 380,179 na sasakyan ang naipagbili mula noong unang araw ng Enero hanggang noong nakalipas na huling araw ng Nobyembre. Lumago ito mula sa 325,468 na unit noong nakalipas na taon.
Ang mga pangpasaherong kotse at mga commercial vehicle ang higit na kinakitaan ng paglago. Ang Passenger Car ay tumaas ng 4.8 percent at nagkaroon ng 11,901 na units samantalang ang commercial vehicle ay nagkaroon ng paglagong 16.4% sa bentang 24,825 units.
Sinabi ni CAMPI President Atty. Rommel Gutierrez na ang benta noong nakalipas na Nobyembre ay nahigitan ang naitala noong Oktubre. Umaasa ang samahan na higit na lalago ang bentahan ngayong Disyembre.
Hawak pa rin ng Toyota ang unang puesto sa 43.82% at sinundaN ng Mitsubishi na nagkaroon ng 17.55%, pangatlo ang Ford na mayroong 8.42% at pang-apat ang Honda na nagtaglay ng 7.05% at panglima ang Isuzu na nagkaroon ng 6.91%.