KAHIT pa pinagtatangkaan ng Pilipinas na tugunan ang mga problema ng mga nakatatanda, napupuna pa rin ang mga problema tulad ng walang tiyak na pinagkakakkitaan ang mga mamamayang lampas na sa 60 taong gulang, walang pensyon kahit pa nadagdagan ang salaping nakalaan para sa kanila.
Malayo ang Pilipinas sa nagaganap sa Tsina, Thailand, Mongolia, Brunei Darussalam at Timor-Leste na nagpalawak ng kanilang coverage sa pamamgitan ng universal fax-funded pensions.
Ayon sa International Labour Organization, ang kakulangan sa pensyon ay nagaganap sa paghaba ng life expectancy sa Pilipinas. Sa pagitan ng 2000 at 2015, humaba ang life expectancy ng limang taon na siyang pinakamabilis na naganap mula noong 1960s. Isang bagay ito upang ikabahala ang mababang pensyon na magdudulot ng dagdag na kakulangan ng salapi para sa pamilya, sa pagtaas ng bilang ng matatanda at mga tumatandang mga supling.
Ngayong taon, kumilos ang pamahalaan upang dagdagan ang benefit levels ng senior citizens na tumatanggap ng contributory pension at madagdagan ang social pension coverage ng mahihirap na nakatatandang mamamayan. May 40 porsiyento ng senior citizens ang walang tiyak na pagkakakitaan.
Sa kabilang dako, prayoridad ng Philippine Development Plan 2017 hanggang 2022 na patatagin ang Social protection Floor bilang isa sa mga prayoridad upang makamtan ang universal social protection sa ilalim ng strategic framework upang mabakasan ang mga problemang hinaharap ng mga nakatatanda.