Ipinahayag Disyembre 14, 2017 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagpapahalaga sa mapagkaibigang damdamin sa mga mamamayang Tsino na ipinadama ni Pangulong Moon Jae-in at mga mamamayan ng Timog Korea. Aniya, kapuwa bilang biktima ng World War II, kinakatigan ng mga mamamayan ng Tsina at Timog Korea ang seryosong pagharap sa kasaysayan para pagilang maulit ang katulad na pangyayari.
Nauna rito, dumating sa Beijing Disyembre 13, 2017 si Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea, para sa kanyang biyahe sa Tsina.
Nang araw ring iyon, idinaos ang mga seremonya sa ibat-ibang lugar ng Tsina bilang paggunita sa ika-80 anibersaryo ng Nanjing Masaker. Kaugnay nito, ipinahayag ni Pangulong Moon na may komong damdamin at kalungkutan ng mga mamamayan ng Timog Korea, kasama ng mga mamamayang Tsino. Samantala, ang embahador ng Timog Korea sa Tsina ang ipinadala ni Pangulong Moon sa nasabing seremonya ng paggunita. Ipinahayag ni Lu na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Timog Korea, para seryosong harapin ang kasaysayan, at magkasamang isabalikat ang tungkulin ng pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.