Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea na ang kaniyang gagawing biyahe sa Tsina ay naglalayong panumbalikin ang pagtitiwalaan ng dalawang bansa at palalimin ang mapagkaibigang damdamin ng mga mamamayan ng dalawang panig.
Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 12, 2017 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang mapapanumbalik ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Timog Korea, batay sa pagbibigay-galang sa kani-kanilang nukleong interes at mga usaping kanilang ikinababahala. Ito aniya'y hindi lamang angkop sa komong interes ng dalawang bansa at ginhawa ng kanilang mga mamamayan, kundi makakatulong din sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon. Aniya pa, napapanatili ni Pangulong Moon Jae-in at pamahalaan ng Timog Korea ang konstruktibong paninindigan sa isyu ng THAAD. Narating aniya ng Tsina at Timog Korea ang ilang pagkakasundo bilang tugon sa nasabing isyu. Umaasa aniya siyang patuloy na magsisikap ang dalawang panig para maayos na lutasin ang isyung ito.