Ipinahayag Disyembre 11, 2017 ni Kang Kyung-wha, Ministrong Panlabas ng Timog Korea ang pag-asang maitatatag ang mekanismo ng pinahigpit na pakikipagpalitan sa Hilagang Korea, para ihatid ang komong mithiin ng komunidad ng daigdig hinggil sa pagtatakwil ng Hilagang Korea sa mga aksyong nuklear. Samantala, nais na pinapahigpit aniya ng Timog Korea ang ugnayan sa Hilagang Korea para pabutihin ang pagtutulungan ng dalawang panig. Umaasa rin aniya siyang ipagpapatuloy ng komunidad ng daigdig ang ipinapataw na presyur at diplomatikong paraan para himukin ang Hilagang Korea na bumalik sa landas ng talastasan.
Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 12, 2017 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na positibo siya sa pagpapabuti ng bilateral na relasyon at pagpapasulong ng rekonsilyasyon ng Timog Korea at Hilagang Korea, sa pamamagitan ng diyalogo. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang dalawang panig para pangalagaan ang katatagan ng Peninsula ng Korea. Aniya pa, inaasahang magsisikap ang mga may-kinalamang panig para lumikha ng mainam na kondisyon para sa pagpapanumbalik ng talastasan.