Ayon sa Kawanihan ng Palakasan ng Yunnan ng Tsina, gaganapin mula Enero 20 hanggang 29, 2018, ang 2018 International Race ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Layon ng naturang paligsahan na pasulungin ang pagpapalitang pangkultura at pampalakasan ng mga kalahok na bansa. May apat na yugto ang paligsahan na kinabibilangan ng Xishuangbanna ng Tsina, Golden Triangle ng Laos, Chiang Mai at Chiang Rai ng Thailand. Hanggang sa ngayon, dalawang daang atleta mula sa 50 grupo ang nagparehistro para sa paligsahan.
Salin: Li Feng