Ipinatalastas kahapon, Martes, ika-19 ng Disyembre 2017, sa Beijing, ng Asian Infrastructure Investment Bank(AIIB) ang pag-aproba ng board of governors nito sa pagsapi ng 4 na bagong miyembro, na kinabibilangan ng Cook Islands, Vanuatu, Belarus at Ecuador.
Sa gayon, umabot sa 84 ang bilang ng mga miyembro ng AIIB.
Ipinahayag ni Jin Liqun, Gobernador ng AIIB, na ang tuluy-tuloy na paglaki ng bilang ng mga miyembro ay nagpapakita ng pananalig ng komunidad ng daigdig sa AIIB. Tatanggapin pa ng bangko ang mga bagong kasapi, dagdag ni Jin.
Salin: Liu Kai