|
||||||||
|
||
Ayon sa isang ulat na magkasanib na inilabas Sabado, Disyembre 23, 2017, ng China Center for International Economic Exchanges (CCIEE) at Xinhua News Agency National High-end Think Tank, sa kasalukuyang taon, ibayo pang lalakas ang tunguhin ng pagbuti ng kabuhayang pandaigdig. Lumitaw din ang tunguhin ng pagbuti sa mga larangang gaya ng kalakalang pandaigdig, pamumuhunan, pinansiya, at industriya ng paggawa, at may pag-asang aahon ang kabuhayang pandaigdig.
Ang nasabing ulat na pinamagatang "Matatag na Bubuti ang Kabuhayang Pandaigdig para sa Taong 2017-2018, Kailangang Pahalagahan ang Lutasin ang mga Di-matatag na Panganib" ay inilabas nang araw ring iyon sa "2017-2018 China Economics Annual Conference."
Ang naturang taunang pulong ay magkasanib na itinaguyod ng CCIEE at Xinhua News Agency National High-end Think Tan. Ang tema nito ay "Kabuhayang Tsino: Isulong ang Pag-unlad na May Mataas na Kalidad." Dumalo rito ang mahigit 300 personaheng kinabibilangan ng mga lider ng mga departamentong ekonomiko ng pamahalaan, ekonomista, mangangalakal, at iba pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |