|
||||||||
|
||
Idinaos sa Beijing nitong Lunes, Disyembre 25, 2017, ang National Industrial and Information Work Conference. Iniharap sa pulong na hanggang taong 2025, magsisikap ang bansa upang ito'y maging malakas na bansa sa larangan ng industriya ng paggawa, at makaabot ang komprehensibong puwersa at kakayahan ng cyberspace sa modernong lebel sa buong daigdig. Hanggang taong 2050, magsisikap din ang Tsina upang makapasok sa unang hanay ng mga malakas na bansa sa larangan ng industriya ng paggawa sa daigdig, at maitatag ang modernong sistemang panteknolohiya at industriyal sa buong mundo.
Sa nasabing pulong, ipinahayag ni Miao Wei, Ministro ng Industriya at Impormasyon ng Tsina, na sapul nang pumasok ang taong kasalukuyan, lumaki ng halos 6.5% ang karagdagang halaga ng mga industry above designated size, at bumaba naman ng mga 4% ang konsumo ng enerhiya ng karagdagang halaga ng unit industry. Ito aniya ay kasiya-siyang naabot na ang target at tungkulin sa buong taon.
Tinukoy din niya na nitong limang (5) taong nakalipas, isinapubliko at isinagawa ng Tsina ang isang serye ng hakbangin, upang maging mas mabuti ang pagpaplano sa pag-unlad sa mga larangang gaya ng bagong materyal, new energy vehicles, Big Data, industrial internet, at network security.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |