|
||||||||
|
||
Sa pagtataguyod ng Tsina, mula ika-16 hanggang ika-18 ng kasalukuyang buwan, gaganapin sa Wuzhen, Lalawigang Zhejiang ng Tsina, ang Ika-2 World Internet Conference (WIC). Dadalo at bibigkas ng talumpati sa pulong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Bukod dito, dadalo sa pulong ang mahigit 2,000 panauhing Tsino at dayuhan na kinabibilangan nina Punong Ministro Alexander Medvedev ng Rusya, Punong Ministro Mian Muhammad Nawaz Sharif ng Pakistan, Punong Ministro Karim Massimov ng Kazakhstan. Sa kasalukuyan, handa na ang lahat para sa nasabing pulong.
Ang tema ng naturang pulong ay "Konektibidad, Magkakasamang Pagtatamasa at Pagsasaayos — Pagtatatag ng Komunidad ng Kapalaran ng Cyberspace." Sa isang preskong idinaos kahapon, ipinahayag ni Lu Wei, Puno ng China National Internet Information Office, na ang internet space ay nagsisilbing bagong kalawakan ng pamumuhay ng sangkatauhan. Aniya, ang kalawakang ito ay may kinalaman sa bawat tao. Kaya, kailangang magkakasamang harapin ng iba't-ibang panig ang mga problema at hamon.
Kumpara sa nagdaang taon, magiging mas malawak ang nasabing pulong sa taong ito. Mahigit 2,000 panauhin na kinabibilangan ng 8 dayuhang lider at halos 50 dauyhang opisyal sa mataas na ministeriyal, ay dadalo rito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |