|
||||||||
|
||
Mahigit 2,000 opisyal ng mga pamahalaan, puno ng mga organisasyon at mga mangangalakal mula sa apat na sulok ng daigdig ang lumahok sa kapipinid na komperensya. Ang tema ng komperensya ay: An Interconnected World Shared and Governed by All, Building a Community of Common Future in Cyberspace.
Batay sa nasabing tema, tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa pangangasiwa sa Internet at ang kooperasyon na pang-cyberspace.
Sa panahon ng komperensya, isang serye ng kasunduang pangkooperasyon sa pagitan ng iba't ibang bahay-kalakal ang nilagdaan.
Si Robert (Bob) E. Kahn, co-designer ng TCP/IP Internet network protocol habang nagtatalumpati sa seremonya ng pagpipinid ng 2015 WIC.
Fadi Chehade, President and CEO ng Internet Corporation for Assigned Names and Numbers (ICANN), habang nagtatalumpati sa seremonya ng pagpipinid ng 2015 WIC.
Liu Chuanzhi, Chairman of the Board ng Legend Holdings Corporation,habang nagtatalumpati sa seremonya ng pagpipinid ng 2015 WIC.
Howard E. Michel, President ng Institute of Electrical and Electronics Engineers (IEEE) habang nagtatalumpati sa seremonya ng pagpipinid ng 2015 WIC.
Ma Yun, Founder at Chairman ng China's e-commerce giant Alibaba habang nagtatalumpati sa seremonya ng pagpipinid ng 2015 WIC.
Mga kalahok sa seremonya ng pagpipinid ng 2015 WIC.
Nauna rito, bilang bahagi ng 2015 WIC, idinaos ang Porum hinggil sa Teknolohiya at Pamantayan ng Internet.
Batay sa tema na ang teknolohiya at pamantayan ay nagpapasulong ng pag-unlad ng Internet, tinalakay ng mga kalahok na dalubhasang Tsino at dayuhan ang hinggil sa kasalukuyang hamon at pagkakataon, at prospek ng Internet sa susunod na sampung taon.
Tagapagsalin: Jade
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |