|
||||||||
|
||
Ito ang ipinahayag ng Tsina sa isang preskon Martes, Disyembre 26, 2017.
Ang mga oracle bone ay mga piraso ng ox scapula o turtle plastron na ginamit para sa dibinasyon at pagdarasal, mahigit 3,000 taon na ang nakaraan, sa huling bahagi ng Shang Dynasty (1600-1046 B.C.), sinaunang Tsina. Ito rin ay pinanggagalian ng kasalukuyang karakter na Tsino.
Piraso ng oracle bone sa Lvshun Museum,Tsina. Ito ay may kinalaman sa dibisyon hinggil sa lagay ng panahon sa hinaharap na gaya ng ulan, ulap,hangin at iba pa. (Photo credit: UNESCO website)
Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 160,000 piraso ng mga oracle bone ang natuklasan. Kabilang dito, 23,000 piraso ang naipon ng Palace Museum ng Tsina. Sa 4,300 characters na nakaukit sa mga oracle bone, 1,600 lang ang na-decode.
Ang mga oracle bone mula sa sinaunang Tsina, hieroglyphs ng sinaunang Ehipto, cuneiforms ng sinaunang Babylon, at Mayan glyphs ng Mesoamerica ay ang mga pinakakilalang sinaunang sistemang panulat ng daigdig. Pero, ang mga inskripsyon sa mga oracle bone ay siyang tanging nananatili at isinulong sa kasalukuyang Chinese characters.
Si Shan Jixiang, Director ng Palace Museum habang nagsasalita sa press conference hinggil sa paglakip ng mga oracle bone inscription ng Tsina sa UNESCO Memory of the World, sa Palace Museum, Beijing, China, Dec. 26, 2017. (Xinhua)
Si Marielza Oliveira, Director ng UNESCO Beijing office habang nagsasalita sa press conference hinggil sa paglakip ng mga oracle bone inscription ng Tsina sa UNESCO Memory of the World, sa Palace Museum, Beijing, China, Dec. 26, 2017. (Xinhua)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |