Lampas sa 4 na milyong persontime ang bilang ng mga turistang Tsino sa bansa sa taong 2017, ito ang isiniwalat noong ika-27 ng Disyembre, 2017 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Biyetnam. Anito pa, ang bilang na ito ay lumaki ng 48.6% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.
Ayon pa sa estatisdika, umabot sa 12.9 milyong persontime ang bilang ng mga dayuhang turista sa Biyetnam, at ito'y lumaki ng 29.1% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Ang paglaki ng bilang ng mga turista ay dahil sa pagdaraos ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Biyetnam, at mga aktibidad ng bansa na pagpo-promote ng turismo at pandaigdig na tourism fair sa Tsina, Australia, Hapon, Europa at mga bansa sa Tomog-silangang Asya, dagdag ng nasabing kawaniran. Bukod dito, isinagawa rin ng Biyetnam ang patakaran na visa-free para sa ilang bansa sa Europa.
salin: Lele