Ipinahayag kamakailan ni Li Jian, Pangalawang Alkalde ng Dongxing, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, na ang Dongxing ay nagsisilbing pinakamalaking sentro ng pagtitipun-tipon ng turismo sa hanggahan ng Tsina at Biyetnam. Sapul nang mapanumbalik ang negosyo ng paghawak ng sertipikasyon para sa turismong panghanggahan noong Agosto ng 2013, nahawakan ng naturang lunsod ang 230 libong person-time na sertipikasyon ng turismong panghanggahan. Kabilang dito, ang proporsyon ng mga manlalakbay sa labas ng Guangxi ay lumampas sa 70%.
Salin: Vera