Napili Huwebes, Disyembre 28, 2017 ng China Radio International ang sampung pinakaimpluwensyal na balitang naganap sa Timog-silangang Asya.
Ayon sa ayos na kronolohikal, ang pangalawang balita ay may kinalaman sa paglaban ng Pilipinas sa mga terorista sa Marawi.
Noong Mayo 23, 2017, inilunsad ng Maute Group ang teroristikong atake at sinakop ang Marawi. Pagkaraan ng limang buwang digmaan, ipinatalastas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kalayaan ng Marawi mula sa mga terorista, noong Oktubre 17, 2017. Ipinahayag din ng Pilipinas ang pasasalamat sa tulong mula sa Brunei, Tsina, Indonesia, Malaysia, Singapore at iba pa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio