Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, nagpahayag ng mensaheng Pambagong Taon para sa 2018

(GMT+08:00) 2017-12-31 19:01:25       CRI

Sa bisperas ng Bagong Taon 2018, isang mensaheng Pambagong Taon ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pamamagitan ng China Radio International (CRI), China National Radio (CNR), China Central Television (CCTV), China Global Television Network (CGTN), at Internet. Narito po ang buong teksto ng pagbati ni Pangulong Xi:

Mga binibini at ginoo, mga kasamahan at kaibigan:

Magandang gabi sa inyong lahat! Mabilis ang paglipas ng panahon, at sasapit tayo sa taong 2018. Sa okasyong ito, umaasa akong makakaabot ang aking bating Pambagong Taon sa mga mamamayan ng lahat ng mga grupong etniko ng Tsina, mga kababayan sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macau (MacauSAR), mga kababayan sa Taiwan, mga Tsino sa ibayong dagat, at mga kaibigan mula sa iba't ibang bansa at rehiyon ng daigdig.

Para sa mga taong gumawa ng malaking pagsisikap, magaganap ang pagbabago sa kanilang pamumuhay. Sa taong 2017, idinaos ang Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, kung saan nagbukas ng bagong landas tungo sa komprehensibong pagtatatag ng sosyalistang modernisadong bansa. Umabot sa 80 trilyong yuan RMB ang Gross Domestic Product ng Tsina, nadagdagan ng mahigit 13 milyon ang mga hanapbuhay, sumasaklaw sa mahigit 900 milyong mamamayan ang social endowment security, sumasaklaw sa 1.35 bilyong mamamayan ang medical insurance system, at nabawasan nang mahigit 10 milyon ang bilang ng mga mahihirap sa kanayunan. Buong sikap ding natugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa mas mabuting tahanan. Sa pamamagitan ng mga proyekto ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap, 3.4 na milyong mamamayan sa mga mahirap na pook ang nagkaroon ng bagong tahanan sa ibang lugar, at sinimulan ang renobasyon sa 6 na milyong pabahay sa mga shanty area. Mabilis na umunlad sa Tsina ang iba't ibang usaping may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan, unti-unting napabuti ang kapaligirang ekolohikal. Lalo pang nararamdaman ng mga mamamayan ang pagtamo ng benepisyo, kaligayahan, at katiwasayan. Malaki tayong sumulong sa target ng pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan sa mas mataas na antas.

Natamo rin ng Tsina ang malaking bunga sa inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, at malalaking proyekto. Matagumpay na nailunsad ang x-ray space telescope na tinatawag na Insight. Naisagawa ang maiden flight ng sariling yaring C919 malaking eroplanong pampasahero. Sinimulan ang takbo ng quantum computer. Sinubok ang pagtatanim ng sea rice. Lumayag ang unang aircraft carrier na yari ng bansa. Isinagawa ng Sea-Wing underwater glider ang unang deep-sea observation. Kauna-unahang nakuha ang natural gas hydrate sa dagat. Na-install ang automated container terminal Yangshan Port sa Shanghai. Natapos ang konstruksyon ng pangunahing bahagi ng Hong Kong-Zhuhai-Macau Bridge. Sinimulan ang takbo ng bagong tipong highspeed train na tinatawag na Fuxing. Dapat hangaan ang mapanlikhang lakas ng mga mamamayang Tsino sa mga ito.

Sa taong 2017, bilang paggunita sa ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Liberation Army, idinaos ang malaking parada sa Zhurihe training base. Noong panahon ng ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng Hong Kong sa inangbayan, bumisita ako sa Hong Kong, at nakita kong sa pagtataguyod ng inangbayan, napanatili ang pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, at magiging mas maganda ang kinabukasan nito. Idinaos din ang aktibidad bilang paggunita sa ika-80 anibersaryo ng komprehensibong pagsimula ng paglaban sa pananalakay na Hapones, at state memorial ceremony para sa mga nabiktima ng Nanjing Massacre noong 1937. Ang mga ito ay para matandaan ang kasaysayan at maghangad ng kapayapaan.

Sa taong 2017, idinaos sa Tsina ang ilang multilateral na aktibidad na diplomatiko, na gaya ng unang Belt and Road Forum for International Cooperation, Xiamen Summit ng mga bansang BRICS, mataas na diyalogo ng Partido Komunista ng Tsina at mga partidong pulitikal ng daigdig. Dumalo rin ako sa mga mahalagang multilateral na pulong sa daigdig. Halimbawa, dumalo ako sa taunang pulong ng World Economic Forum, at bumigkas ng talumpati sa tanggapan ng United Nations sa Geneva. Dumalo rin ako sa G20 Summit at Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation. Sa mga okasyong ito, nakipagpalitan ako ng palagay sa iba't ibang panig, at nagkaroon ng pagkatig sa pagtatatag ng "community of shared future for mankind," bilang pagdulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa.

Sa taong 2017, narinig ko ang mga kuwento hinggil sa mga karaniwang mamamayan, na gaya ng mga magsasaka sa Yumai Village ng Longzi County ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet, mga artista ng Wulanmuqi tropang pansining mula sa Sonid Right Banner County ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia, mga matandang propesor ng Xi'an Jiaotong University, at mga bagong estudyante ng Nankai University. Tumimo sa akin ang kani-kanilang kuwento ng pagmamahal at pagbibigay-ambag sa bansa. Mula sa mga kuwentong ito, masasabi kong pinaka-dakila ang mga karaniwang mamamayan, at samantala, maari tayong maging maligaya sa pamamagitan ng pagpupunyagi.

Mga binibini at ginoo, mga kasamahan at kaibigan:

Ang taong 2018 ay simula ng komprehensibong pagpapatupad ng diwa ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina. Naitakda sa kongresong ito ang pangkalahatang plano para sa pag-unlad ng bansa sa darating na mahigit 30 taon. Dapat itayo ang mataas na gusali sa matibay na pundasyon. Para isakatuparan ang nabanggit na plano, dapat nating gawin ang tumpak na pagsisikap sa bawat isa gawain.

Ang taong 2018 ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas. Ang patakarang ito ay siyang tanging landas para sumulong ang Tsina at isakatuparan ang Chinese Dream. Ang pagdiriwang sa okasyong ito ay bilang paghimok sa atin, para pagtagumpayan ang lahat ng mga kahirapan, at ipagpatuloy ang reporma.

Ginawa ng Tsina ang solemnang pangako hinggil sa pagbabawas ng lahat ng mahirap na populasyon sa taong 2020. Tatlong taon lamang para tupdin ang pangakong ito. Dapat pakilusin natin ang buong lipunan, gawin ang lahat ng pagsisikap, at isagawa ang mga tamang patakaran, para bawasan ang kahirapan ayon sa nakatakdang iskedyul. Ito ay magiging unang pagkakataon sa ilang libong taong kasaysayan ng Tsina para sa pagpawi ng kahirapan, at ito ay mahalaga para sa nasyong Tsino at buong sangkatauhan.

Sa kasalukuyan, umiiral ang kapwa pag-asa at pagkabahala sa prospek ng kapayapaan at kaunlaran ng sangkatauhan, at ang malinaw na posisyon at atityud ng Tsina ay inaabangan ng iba't ibang panig. Batay sa ideyang "magkakapamilya ang buong daigdig," at bilang isang responsableng malaking bansa, matibay ang paninindigan ng Tsina sa mga susunod na aspekto: buong lakas na pangangalaga sa awtoridad at katayuan ng United Nations, aktibong pagsasabalikat ng mga karapat-dapat na obligasyon at responsibilidad na pandaigdig, pagtalima sa mga pangako bilang pagharap sa pagbabago ng klima ng daigdig, aktibong pagpapasulong ng kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative, at pagbibigay-ambag sa kapayapaan, kaunlaran, at kaayusan ng daigdig. Nakahanda ang mga mamamayang Tsino, kasama ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa, na magbukas ng magandang kinabukasan ng pagiging mas masagana at tahimik ng sangkatauhan.

Mga binibini at ginoo, mga kasamahan at kaibigan:

Ang mga bunga sa pag-unlad ay nilikha ng mga mamamayan, at dapat naman silang makinabang sa mga bunga. Alam ko, lubos na pinahahalagahan ng mga mamamayan ang mga isyu sa edukasyon, hanapbuhay, kita, social security, medicare, endowment, pabahay, kapaligiran, at iba pa. Natamo na ang mga bunga sa mga aspektong ito, pero umiiral pa rin ang mga di-kasiyahan sa mga suliraning may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan. Batay sa kahilingan ng mga mamamayan at malakas na kamulayan sa responsibilidad, dapat tumpak na isagawa natin ang mga bagay, para magdulot ng benepisyo sa mga mamamayan. Para sa mga party committee, pamahalaan, at opisyal sa iba't ibang antas, dapat buong taimtim nating isaalang-alang ang pamumuhay ng mga mamamayan, ituring na pinkamalaki nating tagumpay ang pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at tugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan, para sila ay maging mas maligaya.

Salamat sa inyong lahat!

Mga giliw na tagasubaybay, iyan po ang mensaheng Pambagong Taon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ipinalabas sa pamamagitan ng China Radio International, China National Radio, China Central Television, China Global Television Network, at internet. Salamat, at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>