Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, nagpahayag ng bating Pambagong Taon para sa 2017

(GMT+08:00) 2016-12-31 19:22:06       CRI

 

Sa bisperas ng Bagong Taon 2017, isang mensaheng Pambagong Taon ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pamamagitan ng China Radio International (CRI), China National Radio (CNR), China Central Television (CCTV), China Global Television Network (CGTN), at internet. Narito po ang buong teksto ng pagbati ni Pangulong Xi:

Mga binibini at ginoo, mga kasamahan at kaibigan:

Tutunog ang kampana para sa bagong taon sa loob ng ilang oras. Matatapos ang taong 2016 at papasok naman ang taong 2017. Sa panahon ng pamamaalam sa lumang taon at pagsalubong sa bago, umaasa akong makakaabot ang aking bating Pambagong Taon sa mga mamamayan ng lahat ng mga grupong etniko ng Tsina, mga kababayan sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macau (MacauSAR), mga kababayan sa Taiwan, mga Tsino sa ibayong dagat, at mga kaibigan mula sa iba't ibang bansa at rehiyon ng daigdig.

Ang 2016 ay taong di-karaniwan at di-makakalimutan para sa mga mamamayang Tsino. Sa taong ito, naisakatuparan natin ang magandang simula ng ika-13 panlimahang taong plano ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan. Sa ilalim ng bagong ideya sa pag-unlad, pinabilis natin ang pagtatatag ng may-kaginhawahang lipunan sa mas mataas na antas, at nanatili sa unang hanay ng daigdig ang paglaki ng kabuhayang Tsino. Pinasulong natin ang usapin ng komprehensibong pagpapalalim ng reporma, isinagawa ang mahalagang hakbang ng supply-side reform, at natamo ang mahalagang breakthrough sa reporma sa aspekto ng tanggulang bansa at tropa. Nabuo rin natin ang pangunahing balangkas para sa mga reporma sa iba't ibang aspekto. Aktibo nating pinasulong ang pamamahala sa estado alinsunod sa batas, pinalalim ang reporma sa sistemang hudisyal, at itinaguyod ang katarungang hudisyal at pagkakapantay-pantay ng lipunan. Iginiit natin ang mahigpit na pangangasiwa sa partido, pinanatili ang pagparusa sa mga malaki at maliit na kaso ng korupsyon, at patuloy ding pinalinis ang sistemang pampulitika. Sa gayon, bumubuti ang social conduct, political conduct, at party conduct.

Sa taong 2016, sinimulang isaoperasyon sa Tsina ang Five-hundred-meter Aperture Spherical Telescope, isang taon nang tumatakbo sa kalawakan ang Dark Matter Particle Explorer ng Tsina, inilunsad ng Tsina ang quantum communication satellite, at isinagawa rin ang misyon ng Shenzhou-11 manned spacecraft, at Tiangong-2 space lab. Natamo ng mga manlalarong Tsino ang magandang bunga sa Rio Summer Olympics, at kabilang dito, muling napasakamay ng women's volleyball team ng Tsina ang medalyang ginto, pagkatapos ng 12 taon. Bukod dito, natamo rin natin ang mga bunga sa pamamagitan ng reporma. Halimbawa, nakakapagtamasa ang mga migrant rural residents ng mas maraming karapatan at kapakanan sa lunsod, napabuti ang kondisyon ng pag-aaral ng mga bata sa mahihirap na lugar, pinasimple ang prosidyur ng pag-aaplay ng mga mamamayan ng ID card, inilakip sa household registration ang maraming taong walang permanent residence, nagkaroon ng sariling family doctor ang maraming mamamayan, at nabuo ang sistema ng namamahalang tauhan sa ilog. Tuwang-tuwa kami sa pagtatamo ng mga bungang ito.

Sa taong 2016, idinaos sa pampang ng Xihu Lake sa Hangzhou ang Ika-21 Summit ng G20. Sa pamamagitan nito, iniharap ng Tsina ang mga sariling paninindigan at mungkahi sa mga isyung pandaigdig, at ipinakita rin sa daigdig ang magagandang imahe at tanawin ng Tsina. Mabilis ding napapasulong ang Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road Initiative, at pormal na naisaoperasyon ang Asian Infrastructure Investment Bank. Iginigiit natin ang mapayapang pag-unlad, at buong tatag na ipinagtatanggol ang soberenya sa teritoryo at mga karapatan sa karagatan. Hinding hindi tatanggapin ng mga mamamayang Tsino ang paglikha ninuman ng kaguluhan sa mga isyung ito.

Sa taong ito, naganap sa maraming lugar ang mga likas na kalamidad at aksidente ng work safety, at nagdulot ang mga ito ng malaking kapinsalaan sa pamumuhay at mga ari-arian ng mga mamamayan, na lubos na ikinalulungkot natin. Nagsakripisyo ng buhay ang ilang miyembro ng hukbong pamayapa ng Tsina para sa kapayapaan ng daigdig. Mananatili sila sa ating alaala, at dapat buong husay nating alagaan ang kani-kanilang mga kamag-anakan.

Sa taong 2016, ipinagdiwang natin ang ika-95 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina, at ginunita ang ika-80 anibersaryo ng Long March o ang Martsa ng Red Army noong panahon ng digmaan. Dapat tandaan natin ang mga nakatatandang henerasyon na nagbigay ng ambag sa nasyong Tsino. Sundin ang inyong tunay na hangarin at makakamtan ninyo ang tagumpay.

Mga binibini at ginoo, mga kasamahan at kaibigan:

Sa darating na taong 2017, idaraos ang ika-19 na pambansang kongreso ng Partido Komunista ng Tsina. Patuloy nating pasusulungin ang pagtatatag ng may-kaginhawahang lipunan sa mas mataas na antas, komprehensibong pagpapalalim ng reporma, pamamahala sa estado alinsunod sa batas, at mahigpit na pangangasiwa sa partido. Kung walang tiyaga, walang nilaga. Dapat buong lakas kaming magsikap, para matupad ang mga pangarap.

Ang target natin ay pagsasakatuparan ng maginhawang pamumuhay para sa bawat tao. Nitong isang taong nakalipas, nakahulagpos sa kahirapan ang mahigit 10 milyong mahihirap na mamamayan. Magpupugay ako sa mga taong nagbigay-ambag sa pagtatamo ng bungang ito. Sa panahon ng bagong taon, nasa isip ko ang mga mahihirap na mamamayan. Ikinababahala ko kung maayos ang kanilang pagkain at bahay, at kung maganda ang kanilang pamumuhay sa Bagong Taon at Spring Festival. Alam ko, kinakaharap din ng maraming mamamayan ang kahiparan sa paghahanapbuhay, edukasyon, pagkuha ng serbisyong pangkalusugan, pabahay, at iba pang aspekto. Ang paglutas sa mga problemang ito ay hindi maiiwasang responsibilidad ng partido at pamahalaan. Dapat patuloy ding magbigay-tulong ang buong lipunan sa mga taong may kahirapan, para magdulot ng bunga ng reporma at pag-unlad sa mas maraming mamamayan, at maging mas maligaya ang pamumuhay ng mga mamamayan.

Magtatagumpay ang mga taong may komong hangarin. Kung magkakaisa ng palagay ang mahigit 1.3 bilyong mamamayang Tsino, magbubuklod ang partido at mga mamamayan, at gagawin natin ang magkakasamang pagsisikap, tiyak tayong tatahak sa magandang landas ng pag-unlad.

Mga binibini at ginoo, mga kasamahan at kaibigan:

"Magkakapamilya ang buong daigdig" ay ideyang laging itinataguyod ng mga Tsino. Ang magandang pamumuhay ay inaasahan ng mga mamamayang Tsino, hindi lamang para sa sarili, kundi rin para sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa ng daigdig. Sa kasalukuyan, dinadanas pa rin ng ilang bansa at rehiyon ang digmaan at kahirapan, at nasasalanta rin ng mga sakit at kalamidad ang maraming tao. Taos-puso akong umaasang, batay sa ideya ng komunidad ng komong kapalaran ng sangkatauhan, magtutulungan ang komunidad ng daigdig, para maging mas mapayapa at masagana ang ating mundo.

Salubungin natin, lipos ng tiwala at pag-asa, ang pagtunog ng kampana ng bagong taon.

Salamat sa inyong lahat!

Mga giliw na tagasubaybay, iyan po ang mensaheng Pambagong Taon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ipinalabas sa pamamagitan ng China Radio International, China National Radio, China Central Television, China Global Television Network, at internet. Salamat, at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>