Ayon sa datos na isinapubliko kagabi, Disyembre 31, 2017, ng State Administration of Press, Publication, Radio, Film and Television ng Tsina, noong isang taon, lumampas sa 55.9 na bilyong Yuan, RMB ang box office ng buong bansa. Ito ay mas malaki ng 13.45% kumpara sa taong 2016. Kabilang dito, mahigit 30.1 bilyong Yuan ay nagmula sa domestic box office na katumbas ng 53.84% ng kabuuang halaga ng box office.
Ipinahayag ng kaukulang namamahalang tauhan ng nasabing administrasyon na noong isang taon, isinulong nang malaki ang kalidad ng mga pelikula. Natamo aniya ng pelikulang Tsino ang substansiyal na bunga, at napapanatili ang mainam na tunguhin ng pag-unlad.
Salin: Li Feng