Inaprobahan Martes, Enero 2, 2018, ni Indian Defense Secretary Nirmala Sitharaman ang dalawang arms purchasing plan na nagkakahalaga ng halos 270 milyong dolyares. Ang mga bibilhing sandata ay gagamitin, pangunahin na, sa hukbong panghimpapawid at pandagat ng bansang ito.
Ayon sa ulat, bibili ang India ng 240 precision guided bomb mula sa Russian arms export company na nagkakahalaga ng 197 milyong dolyares. Bukod dito, bibili rin ang bansa ng 131 "Barak Missiles" at kaukulang kasangkapan mula sa Israel na nagkakahalaga ng 72 milyong dolyares.
Salin: Li Feng