Miyerkules, Mayo 3, 2017, ipinahayag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na inaprobahan nito ang unang proyekto ng pagpapautang sa India. Magkasamang pinondohan ng AIIB at World Bank (WB) ang nasabing 160 milyong dolyares na pautang, para katigan ang proyekto ng tuluy-tuloy na power transmission at distribution system sa Lalawigang Andhra Pradesh ng India.
Ipinahayag ni Jin Liqun, Presidente ng AIIB, na ang India ay ika-2 pinakamalaking shareholder ng AIIB. Buong lugod niyang isinasagawa ang mahigpit na kooperasyon sa India sa mga larangan ng imprastruktura na gaya ng enerhiya.
Salin: Vera