Idinaos noong ika-3 ng Enero, 2018, ang news briefing ng Municipal Environmental Protection Bureau ng Beijing, at ipinalabas nito ang kalagayan ng kalidad ng hangin noong taong 2017.
Isinalaysay ni Liu Baoxian, Pangalawang Direktor ng Municipal Environmental Monitoring Center na noong taong 2017, bumaba ang 4 na pangunahing pollutant na kinabibilangan ng particulate matter 2.5 (PM2.5) sa Beijing. Ang annual average density ng PM 2.5 ay 58μg/m²(Microgram kada Cubic Meter) at ito ay bumaba ng 20.5% kumpara sa gayon ding panahon ng taong 2016. Ang densidad ng sulfur dioxide, nitrogen dioxide at PM10 ang nabawasan nang 20%, 4.2% at 8.7% ayon sa pagkakasunud-sunod. Dagdag ni Liu, naisakatuparan ang target na itinakda ng "Air Pollution Prevention and Control Action Plan" ng Tsina.
Ayon sa estadistika, mula noong taong 2013 hanggang 2017, maliwanag na dumagdag ang bilang ng mga araw kung kailan ang kalidad ng hangin ay umabot sa itinakdang istandard, at nabawasan ang bilang ng araw na may grabeng polusyon.
salin:Lele