|
||||||||
|
||
Yangon, Myanmar—Sandaang prefabricated house ang inabuloy noong Sabado, Enero 6, 2018 ng Tsina sa Myanmar para sa mga nawalan ng bahay sa Rakhine State, sa dakong kanluran ng bansa.
Sa ngalan ng Myanmar, ipinahayag ni Win Khaing, Ministro ng Konstruksyon ang pasasalamat sa Tsina.
Mga container na naglalaman ng prefabricated house sa Myanmar Industrial Port sa Yangon, noong Enero 6, 2018. (Xinhua/U Aung)
Noong Agosto 25, 2017, inilunsad ng Arakan Rohingya Salvation Army (ARSA) ang serye ng teroristikong atake sa mga police outpost sa Rakhine. Bunsod nito, maraming residenteng lokal ang tumakas mula sa kanilang tahanan.
Ipinahayag naman ni Hong Liang, Embahador ng Tsina sa Myanmar ang kahandaan ng bansa na ipagpatuloy ang tulong sa nasabing bansa.
Bawat assembled-board house ay matitirahan ng 8 katao, at maaaring gamitin nang di-kukulangin sa 20 taon. Kakayanin ng mga ito ang 8.0 magnitude na lindol.
Noong Pebrero, 2016, 132 prefabricated house ang inabuloy ng Tsina sa Myanmar para sa mga nabiktima ng baha.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |