Ayon sa ulat ng mamamahayag noong Linggo, Setyembre 17, 2017, mula sa Southeast Asia Biodiversity Research Institute ng Chinese Academy of Sciences (CAS-SEABRI), dalawang bagong uri ng bulaklak ang magkasamang nadiskubre ng mga mananaliksik ng nasabing instituto, kasama ng mga counterpart na taga-Myanmar sa kanilang siyentipikong paglakbay-suri sa dakong hilaga ng Myanmar mula 2014 hanggang 2016.
Ang dalawang bagong uring Touch-me-not o Impatiens balsamina ay ipinangalanan ng CAS-SEABRI, at Putao, lugar kung saan nadiskubre ang mga ito, ayon sa pagkakasunod.
Nailathala na ang may kinalamang artikulo sa academic journal na Phytotaxa.
Salin: Jade
Pulido: Rhio