Ayon sa Tanggapan ng Lohistiko ng Lunsod Chongqing ng Tsina, sa Setyembre, 2018, isasaoperasyon ng Malaysia Airlines ang cargo airline na "Chongqing — Kuala Lumpur — India."
Ayon kay Amiroel, opisyal ng Malaysia Airlines, matapos na isaoperasyon ang cargo airlines mula Chongqing papuntang Kuala Lumpur, ito ang ikalawang isasaoperasyong cargo airlines ng kanyang kompanya dito sa Tsina. Napag-alamang gagamitin ang rutang ito sa paghahatid ng iba't-ibang uri ng smart terminal products na gawa sa Chongqing.
Salin: Li Feng