Phnom Penh — Idaraos Miyerkules, Enero 10, 2018, ang Ikalawang Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) kung saan lalagumin ang bungang natamo nitong dalawang taong nakalipas, at pagpaplanuhan ang pag-unlad sa hinaharap. Sapul nang pormal na pasimulan ang mekanismo ng LMC noong Marso 23, 2016, mabilis itong umuunlad, bumubuti ang mekanismo ng LMC, matatag na isinasakatuparan ang bunga ng kooperasyon, at maayos at komprehensibong isinusulong ang kooperasyon sa iba't-ibang larangan. Nitong dalawang taong nakalipas, natamo ng iba't-ibang panig ang pragmatikong bunga sa mga larangang gaya ng konektibidad, yamang-tubig, at agrikultura.
Halos 240 milyon ang kabuuang bilang ng populasyon sa limang bansa sa Ilog Mekong. Noong taong 2016, lumampas sa 710 bilyong dolyares ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng nasabing mga bansa. May pagkokomplemento ang estrukturang ekonomiko sa pagitan ng Tsina at limang bansa sa Ilog Mekong. Noong 2016, umabot sa mahigit 193.4 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan. Mula noong Enero hanggang Nobyembre, 2017, lumampas sa 200.9 bilyong dolyares ang halagang ito na mas malaki ng 16% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Salin: Li Feng