Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pantay-pantay, bukas, pragmatiko: diwa ng Lancang-Mekong Cooperation-- Premyer Tsino

(GMT+08:00) 2018-01-11 13:41:05       CRI

Phnom Penh, Cambodia-Sa kanyang paglahok kahapon, Miyerkules, Enero 10, sa Ika-2 Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), inilarawan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang diwa ng LMC bilang pantay-pantay, bukas, at pragmatiko.

Inilahad niyang ang LMC ay pantay na pagtutulungang may mutuwal na kapakinapangan. Aniya pa, kahit magkakaiba ang anim na kasaping bansa sa laki, saklaw ng kabuhayan, kultura at kaugalian, nananatiling pantay-pantay silang lahat. Sa ilalim ng LMC, nagsasanggunian ang mga kasapi hinggil sa iba't ibang isyu, at pinahahalagahan ang interes ng isa't isa para magkasamang mapasulong ang LMC.

Tinukoy rin ni Premyer Li na ang LMC ay pagtutulungang nagtatampok sa pagiging bukas at inklusibo. Inilunsad aniya ang nasabing mekanismo ng anim na bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River na kinabibilangan ng Tsina, Cambodia, Laos, Myanmar, Thailand at Vietnam. Ipinagdiinan din niyang hindi eksklusibo ang LMC. Hindi lamang ito nakakabuti sa pag-unlad ng anim na kasaping bansa, nakakatulong din ito sa integrasyon ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ani Li, maaari ring makipag-ugnayan ang LMC sa ibang mekanismong pangkooperasyon para maisakatuparan ang komong pag-unlad.

Ipinagdiinan din ng premyer Tsino na ang LMC ay pragmatiko at mabisang pagtutulungan. Aniya pa, ang nasabing mga diwa ay nagsisilbing patnubay ng LMC at isinusulong ng mga kasaping bansa ang pagtutulungan sa pamamagitan ng iba't ibang proyekto. Halimbawa, pinasusulong ayon sa iskedyul ang lahat ng 45 proyekto na itinakda sa unang pulong ng mga lider ng LMC. Kasabay nito, isinasaoperasyon din ang Lancang-Mekong Cooperation Special Fund para suportahan ang 132 proyekto ng anim na kasaping bansa. Bukod dito, itinatag din aniya ng LMC ang Sekretaryat na Pang-estado na nakabase sa anim na kasaping bansa, anim na magkasanib na working group hinggil sa konektibidad, Sentro ng Pagtutulungan sa Yamang-tubig at iba.

Itinatag ang LMC noong Marso, 2016 kung saan idinaos ang Unang Summit ng LMC sa Sanya, Hainan Province, Tsina. Ang LMC ay mahalagang bahagi rin ng panlahat na pagtutulungan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Kabilang sa tatlong "pillar" ng LMC ay seguridad na pampulitika, ekonomiko at sustenableng pag-unlad, at pag-unlad na panlipunan at people-to-people exchanges. Ang anim na larangan ng priyoridad nito ay sumasaklaw sa konektibidad, production capacity, transborder na kabuhayan, yamang-tubig, agrikultura, at pagpapahupa ng kahirapan.

Ang Lancang ay tawag ng mga mamamayang Tsino sa itatas na bahagi ng Mekong.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>