Noong ika-10 ng Enero, 2018, naglakbay-suri ang mga lider na kalahok sa Ika-2 Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) sa pagtatanghal ng mga bunga ng LMC. Kabilang sa mga ito ay sina Li Keqiang, Premyer ng Tsina; Hun Sen, Punong Ministro ng Kambodya; Thongloun Sisoulith, Punong Ministro ng Laos; Prayuth Chan-ocha, Punong Ministro ng Thailand; Nguyễn Xuân Phúc, Punong Ministro ng Biyetnam; at Myint Swe, Pangalawang Pangulo ng Myanmar.
Ang pagtatanghal ay nagpapakita ng mga bunga ng LMC nitong dalawang taong nakalipas sa iba't ibang larangan, na gaya ng high-speed railway na itinatatag ng Tsina sa Laos at Thailand; mga preoyekto ng electric power network sa ilalim ng kooperasyon ng Tsina at Kambodya, Biyetnam, Laos; at Sihanoukville Special Economic Zone(SSEZ) na magkasanib na itinatag ng Tsina at Kambodya; at iba pa.
salin:Lele