Inilunsad kaninang umaga, Biyernes, ika-12 ng Enero 2018, ng Tsina mula sa Xichang Satellite Launch Center sa timog kanluran ng bansa, ang ika-26 at ika-27 BeiDou Navigation Satellite.
Pagkaraan ng subok-operasyon sa nakatakdang orbita, magiging kabilang ang naturang dalawang satellite sa BeiDou Navigation Satellite Network, para ang navigation system na ito ay makakapagkaloob ng navigation at positioning service sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, bago mag-katapusan ng taong ito.
Ito ang unang beses na paglulunsad ng Tsina ng BeiDou Navigation Satellite, pagpasok ng taong 2018. Sa buong taong ito, marami pang satellite ng navigation system na ito ang ilulunsad.
Salin: Liu Kai