|
||||||||
|
||
Kigali, Rwanda — Isinalaysay nitong Sabado, Enero 13, 2018, sa media ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang ideya ng panig Tsino tungkol sa pagdaraos ng bagong Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) dito sa Tsina.
Ipinahayag ni Wang na ang FOCAC ay isang mahalagang tsanel kung saan isinasagawa ang kolektibong diyalogo ng Tsina at mga bansang Aprikano at pinapalalim ang kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Ito rin aniya ay pinakamalawak at pinakamabisang plataporma ng South-South Cooperation. Sa kasalukuyang taon, itataguyod ng Tsina ang bagong FOCAC. Batay sa positbong pag-asa ng mga bansang Aprikano, ipinasiya ng panig Tsino na i-upgrade ang lebel ng porum sa summit, aniya pa.
Idinagdag pa ni Wang na hinahangaan at kinakatigan ng maraming bansang Aprikano ang "Belt and Road" Initiative na iniharap ni Pangulong Xi Jinping. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng magkakasamang pagtatayo ng Tsina at Aprika ng "Belt and Road," mapapasigla pa ang kooperasyong Sino-Aprikano.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |