Pinagtibay Martes, Enero 16, 2018 ng Gabinete ng Thailand na simula unang araw ng Pebrero, 2018, ilulunsad ang 4 na taong Smart Visa, para maakit ang mga talentong dayuhan.
May apat na kategorya ang nasabing visa. Ang unang kategorya ay para sa mga "highly-skilled specialist" na may di-kukulungin sa isang taong kontrata ng empleyo at may suweldong di-kukulangin sa 200,000 Baht kada buwan. Ang pangalawang kategorya ay para sa mga mamumuhuan sa mga takdang industriya na may puhunang di-kukulangin sa 20 milyong Baht. Ang pangatlong kategorya ay para sa mga mamumuhunang may puhunan sa mga takdang industriya. Ang pang-apat na kategorya ay para sa mga ehekutibo sa mataas na antas, na may karanasang di-kukulangin sa sampung taon sa mga takdang industriya at may mahigit 200,000 Baht na sahod kada buwan.
Ang nasabing bisa ay nakatuon sa sampung industriya na kinabibilangan ng automotive, elektroniks, turismo, agrikultura at bioteknolohiya, pagkain, robotics, abiyasyon at lohistika, biofuel at biochemical, digital economy, at sektor medikal.
Salin Jade
Pulido: Rhio