Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko kamakailan ng Ministri ng Komersyo ng Thailand, noong isang taon, umabot sa halos 11.5 milyong tonelada ang iniluwas na bigas na nagkakahalaga ng mahigit 5.1 bilyong dolyares. Ito ay naging bagong rekord sapul noong taong 2014.
Nabatid na ang Thailand ay kasalukuyang ikalawang pinakamalaking bansang nagluluwas ng bigas sa daigdig. Sa taong kasalukuyan, tinaya ng Thailand na aabot sa 9.5 milyong tonelada at 4.7 bilyong dolyares ang bolyum at halaga ng pagluluwas ng bigas.
Salin: Li Feng