Jakarta, Indonesia-Isinumite Enero 17, 2018 ni Xiao Qian, bagong Embahador ng Tsina sa Indonesia ang kanyang Kredensyal kay Pangulong Joko Widodo ng bansa; pagkatapos ng pagsusumite, pormal ding kinatagpo ng Pangulong Indones ang Embahador Tsino.
Sa pag-uusap, ipinahayag ni Embahador Xiao na nitong ilang taong nakalipas, sa pamumuno nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Joko Widodo, nananatiling mainam ang estratehikong pagtutulungan ng Tsina at Indonesia sa ibat-ibang larangan. Aniya, bilang Embahador Tsino sa Indonesia, nakahanda siyang magsikap, kasama ng Indonesian counterpart para ibayo pang pasulungin ang relasyong Sino-Indones, batay sa pagpapatupad sa komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang bansa, pagpapalalim ng ugnayan ng kani-kanilang pambansang estratehiyang pangkaunlaran, pagpapalawak ng pragmatikong pagtutulungan, at pagpapasulong ng people to people exchanges.
Ipinahayag naman ni Pangulong Joko Widodo ang pagtanggap sa panunungkulan ni Embahador Xiao sa Indonesia. Aniya, nitong ilang taong nakalipas, paulit-ulit siyang nakipag-usap kay Pangulong Xi, at narating nila ang pagkakasundo sa pagpapalalim ng bilateral na pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan. Positibo aniya siya sa bungang natamo ng dalawang panig sa pinasulong na kooperasyon sa ibat-ibang larangan. Umaasa aniya siyang susulong ang pragmatikong pagtutulungan ng Tsina at Indonesia, para ibayo pang mapasulong ang relasyong Sino-Indones sa hinaharap.