Kaugnay ng kasunduang narating kamakailan ng Hilagang Korea at Timog Korea hinggil sa Pyeongchang Olympic Games at pahayag ng ibayong pagpapahigpit ng diyalogo ng dalawang panig, ipinahayag Enero 18, 2018 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asang sasamantalahin at pahahalagahan ng ibat-ibang panig ang kasalukuyang pagpapahupa ng kalagayan ng Peninsula ng Korea, para ibayo pang pasulungin ang talastasang pangkapayapaan ng dalawang panig, at ang tumpak na direksyong pangkaunlaran ng kalagayan sa nasabing peninsula.
Ayon sa ulat, sa isang negosasyong idinaos ng Hilagang Korea at Timog Korea sa Pan-munjom, nitong ika-17 ng buwang ito, sumang-ayon sila sa magkasamang pagparada ng dalawang delegasyong pampalakasan sa seremonya ng pagbubukas ng Pyeongchang Olympic Games, sa ilalim ng "unified korea flag," at magkasama silang sasali sa mga event ng palaro.
Bukod dito, ipinahayag kamakailan ng Ministring Panlabas ng Timog Korea ang pag-asang mapapalawak ang diyalogo ng dalawang panig hinggil sa mapayapang paglutas sa isyung nuklear ng peninsula.