|
||||||||
|
||
Cairo — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Sabado, Enero 20, 2018, kay Mike Pence, Pangalawang Pangulong Amerikano, inulit ni Pangulong Abdel Fattah al Sisi ng Ehipto na kinakatigan ng kanyang bansa na gawing kapital ng Palestina ang East Jerusalem.
Sa isang pahayag, sinabi ng isang tagapagsalita ng Palasyong Pampanguluhan ng Ehipto na buong tatag na pinapanigan ng Ehipto ang Palestina. Kinakatigan aniya ng Ehipto ang karapatan at kapakanan ng mga mamamayang Palestino, at ang pagtatayo ng nagsasariling bansang may kabiserang East Jerusalem.
Ayon pa sa nasabing pahayag, kinumpirma ni Pence ang ginagawang papel ng Ehipto sa proseso ng talastasang pangkapayapaan ng Palestina at Israel, at ibinibigay nitong ambag sa pangangalaga sa seguridad at katatagan ng rehiyong Gitnang Silangan sa mahabang panahon. Aniya, para sa Amerika, ang Ehipto ay isang "mahalagang estratehikong katuwang."
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |