Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Breakthrough sa macaque cloning, pag-asa laban sa mga sakit ng tao

(GMT+08:00) 2018-01-25 15:56:12       CRI

Beijing, Tsina—Ipinatalastas Miyerkules, Enero 24, 2018 ng Tsina ang tagumpay sa pag-ko-clone ng dalawang macaque mula sa mga somatic cell. Nagdudulot ito ng pag-asa para magamot ang mga sakit ng tao na gaya ng Alzheimer's, Parkinson's at autismo.

Ang nasabing dalawang macaque na pinangalanang Zhong Zhong at Hua Hua, ayon sa pagkakasunod ay unang mga clone monkey sa daigdig. Ini-clone sila sa pamamagitan ng somatic cell nuclear transfer (SCNT), parehong teknik na ginamit sa paglikha kay Dolly, unang clone sheep sa daigdig, 20 taon ang nakaraan.

Ang research paper hinggl sa nasabing inisyal na pananaliksik ay inilathala sa website ng scientific journal na Cell.

Sa kasalukuyan, wala pang lunas ang maraming sakit sa utak, dahil pangunahin na, malaki ang pagkakaiba ng genome type ng mga tao at mga dagang malawakang ginagamit sa pananaliksik sa laboratoryo. Bunga nito, madalas na hindi mabisa o may mga side-effect ang mga medisina.

Kasalukuyang pinapakain sa pamamagitan ng bote ang dalawang clone, habang nasa laboratoryo. Normal ang kanilang paglaki, kumpara sa mga unggoy na may parehong edad.

Sinabi ni Muming Poo, co-author ng nasabing research paper at puno ng Institute of Neuroscience, Chinese Academy of Sciences (CAS) Center for Excellence in Brain Science and Intelligence Technology, na buong higpit na sinusunod ng kanilang laboratoryo ang mga pandaigdig na alituntunin ng US National Institutes of Health hinggil sa pananaliksik sa hayop.

"Alam na alam naming ang mga pananaliksik sa hinaharap, sa pamamagitan ng mga non-human primate saanman sa daigdig ay nakasalalay sa mga siyentista na buong-higpit na tumatalima sa mga pamantayang etikal," diin ni Poo, "Ito ang dahilan na kahit napakahalaga ng mga cloned monkey models, kakailanganin din ang pagmomonitor ng produksyon."

Idinagdag pa ni Poo, balak nilang iprodyus ang mas maraming cloned monkey bilang tugon sa mga sakit sa utak.

Dalawang cloned macaque habang naglalaro sa Non-Human-Primate Research Facility ng CAS, sa Bejing, Tsina. (CAS/Xinhua)

Dalawang cloned macaque habang pinapakain sa Non-Human-Primate Research Facility ng CAS, sa Bejing, Tsina, Enero 22, 2018. (Xinhua/Jin Liwang)

Dalawang cloned macaque habang kinikilik ng nars sa Non-Human-Primate Research Facility ng CAS, sa Bejing, Tsina, Enero 22, 2018. (Xinhua/Jin Liwang)

Sina Muming Poo (kaliwa), co-author ng research paper hinggil sa pananaliksik sa cloned monkey at Direktor ng Institute of Neuroscience, Chinese Academy of Sciences (CAS) Center for Excellence in Brain Science and Intelligence Technology; Sun Qiang (gitna), Direktor ng Non-Human-Primate Research Facility ng CAS; at Liu Zhen, postdoctoral fellow at pangunahing author ng research paper na inilabas sa Cell, habang lumalahok sa preskon, sa Bejing, Tsina, Enero 24, 2018. (Xinhua/Zhang Yuwei)

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>