Ayon sa pinakahuling estadistika na inilabas kamakailan ng Tanggapan ng Patakaran at Estratehiyang Pangkalakalan ng Ministri ng Komersyo ng Thailand, noong 2017, lumaki ng 9.9% ang pagluluwas ng kalakalang panlabas ng Thailand kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Mahigit 236.6 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas sa buong taon, na naging pinakamataas sa kasaysayan.
Ipinahayag ng namamahalang tauhan ng nasabing tanggapan na ang tuluy-tuloy na pagbuti ng kabuhayang pandaigdig, lalung lalo na, kabuhayan ng mga trade partner countries, ay nakapagpasulong sa pagdaragdag ng pangangailangan sa mga paninda ng Thailand. Kabilang dito, lumaki ng 23.7% ang pagluluwas nito sa Tsina, at magkahiwalay na lumaki ng 8.3% at 8.9% naman ang pagluluwas nito sa Amerika at rehiyon ng ASEAN na kinabibilangan ng ibang 9 na bansang ASEAN.
Sa aspekto ng pag-aangkat naman, noong isang taon, mga 222.7 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat ng Thailand, na lumaki ng 14.7% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. 13.93 bilyong dolyares ang trade surplus sa buong taon. Ayon sa pagtaya ng naturang tanggapan, sa kasalukuyang taon, may pag-asang mananatiling mainam ang tunguhin ng paglago ng pagluluwas ng bansa, at lalaki ng halos 5% hanggang 7% ang pagluluwas sa buong taon.
Salin: Vera