Sa Ika-48 World Economic Forum (WEF) o Davos Forum na idinaos sa Davos, Switzerland, bumigkas ng talumpati Martes, Enero 23 si Liu He, Myembro ng Political Bureau of the Communist Party of China Central Committee at Direktor ng General Office of the Central Leading Group for Financial and Economic Affairs, at ang talumpating hinggil sa mga mga patakarang pangkabuhayan ng Tsina ay pinapurihan ng iba pang mga kalahok.
Sa kaniyang talumpati, ibinahagi niya ang mithiin ng Tsina sa pagpapasulong ng globalisasyon ng kabuhayan at mga hakbanging isinasagawa ng bansa. Binigyan-diin ni Liu na patuloy na palalawakin ng Tsina ang komprehensibong pagbubukas sa labas at palalakihin ang pagpasok sa pamilihang Tsino, aktibong pasusulungin ang "Belt and Road" initiative, matatag na pangangalagaan ang multilateral na sistemang pangkalakalan, pasusulungin ang bagong relasyong pandaigdig at pagtatatag ng "community of shared future for mankind".
Tungkol sa talumpati, sinabi ni Mohammed Sharaf, Asistenteng Ministrong Panlabas ng United Arab Emirates na ang prinsipyo ng pagbubukas ng Tsina ay hindi lamang nakakabuti sa pag-unlad ng Tsina, kundi nakakabuti sa buong daigdig.
Pinapurihan naman ni Kofi Atta Annan, Dating Pangkalahatang Kalihim ng United Nations ang pagpapalakas ng Tsina sa pagpigil ng polusyon at pagpapabuti ng kapaligiran, at pagpapasulong ng Tsina ng kooperasyong pandaigdig para maisakatuparan ng "Paris Agreement."
Mga lider ng mahigit 70 bansa ang kalahok sa Ika-48 World Economic Forum (WEF) na may temang ""Creating a Shared Future in a Fractured World."
salin:Lele