DALIAN, June 27, 2017--Dumalo si Li Keqiang, Premiyer ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng 2017 Summer Davos Forum.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Li na sa ilalim ng globalisasyon ng kabuhayan, umaahon ang bagong yugto ng revolution, at ito ay nagkakaloob ng mas malakas na puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayan ng iba't ibang bansa. Aniya pa, mas marami ring ngayon ang pagkakataon ng pantay na pakikilahok na makakabuti sa inklusibong paglaki.
Tinukoy niyang pinapanatili ng kabuhayang Tsino ang matatag na pag-unlad. Nitong ilang taong nakalipas, dahil sa pagsasa-ayos ng estruktura ng kabuhayan, nagbago ang paglaki ng kabuhayan mula pag-asa sa pag-aangkat at pamumuhunan tungo sa pag-asa sa pagpapasulong ng konsumo at serbisyo. Ang paglaki at pagbubukas ng kabuhayang Tsino ay magbibigay ng mas maraming pagkakataon sa daigdig, dagdag ni Li.
salin:lele