|
||||||||
|
||
Sa isang pahayag na inilabas nitong Sabado, Enero 27, 2018, ni Stephane Dujarric, Tagapagsalita ni United Nations (UN) Secretary-General António Guterres, ipinatalastas niya na ipapadala ng UN Secretary-General ang kinatawan upang dumalo sa Syrian National Dialogue Congress sa pangunguna ng Rusya.
Ayon pa sa pahayag, nananalig si Guterres na makakapagbigay ang nasabing national congress ng mahalagang ambag para sa talastasang pangkapayapaan sa Geneva sa pangunguna naman ng UN.
Upang mapasulong ang talastasang pangkapayapaan sa Geneva tungkol sa isyu ng Syria at prosesong pangkapayapaan ng bansang ito, iminungkahi ng Rusya, Turkey, at Iran na idaos ang Syrian National Dialogue Congress sa Sochi, Rusya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |