|
||||||||
|
||
Sa isang komentaryong inilabas nitong Sabado, Enero 20, 2018, pinabulaanan ng Rusya ang pagbatikos ng Estados Unidos na umano'y ginamit ng Syria ang sandatang medikal.
Ayon sa ulat, ipinahayag nitong Biyernes ng isang tagapagsalita ng Kagarawan ng Estado ng Amerika na ginagamit ng Rusya ang lahat ng posibleng paraan upang mapangalagaan ang rehimen ni Pangulong Bashar al Assad ng Syria. Ngunit, patuloy aniyang ginagamit ng huli ang sandatang kemikal.
Kaugnay nito, sinabi ng Rusya na ang nasabing pagbatikos ng Amerika ay batay sa bali-balita na pinapalaganap sa mga social media at testimonya ng mga armadong grupo, at walang patunay.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |