Sa news briefing na idinaos ngayong araw, Lunes, ika-29 ng Enero 2018, sa Beijing, isinalaysay ni Xu Nanping, Pangalawang Ministro ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina, na para pag-ibayuhin ang pag-unlad ng agrikultura, kanayunan, at mga magsasaka, inilabas kamakailan ng pamahalaang Tsino ang guideline hinggil sa pagpapasulong ng konstruksyon ng mga agriculture high technology demonstration area.
Sinabi ni Xu, na ayon sa guideline, ang konstruksyon ng mga agriculture high technology demonstration area ay batay sa mga estratehiya ng innovation-driven development at rural revitalization ng Tsina. Ang gawaing ito aniya ay naglalayong pataasin ang episiyensiya ng agrikultura, dagdagan ang kita ng mga magsasaka, at pabutihin ang kapaligiran sa kanayunan. Dagdag ni Xu, iniharap sa guideline, na hanggang sa taong 2025, aabot sa 30 de-kalidad na national agriculture high technology demonstration area ang itatayo.
Sa kasalukuyan, may dalawang national agriculture high technology demonstration area sa Tsina, at ang mga ito ay magkahiwalay na itinayo noong 1997 at 2015.
Salin: Liu Kai