Lunes, ika-7 ng Marso 2016, ipinahayag ni Han Changfu, Ministro ng Agrikultura ng Tsina, na pinag-aaralan ng bansa ang patakaran at sistema hinggil sa pagbibigay-suporta sa paglaki ng kita ng mga magsasaka, para mapanatiling 6.5% pataas ang karaniwang taunang paglaki ng kita ng mga ito sa panahon ng Ika-13 Panlimahang Taong Plano, at maisakatuparan ang target na pagdoble ng kita ng mga magsasaka sa taong 2020.
Sa news briefing ng Ika-4 na Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), sinabi ni Han na noong panahon ng Ika-12 Panlimahang Taong Plano, 9.6% ang karaniwang paglaki ng disposable income ng mga magsasaka. Ito aniya ay mas mataas kaysa kapuwa paglaki ng GDP at paglaki ng kita ng mga residente sa lunsod at nayon.
Salin: Vera