Nitong ilang taong nakalipas, aktibong hinihikayat ng lunsod Dongtai ng probinsyang Jiangsu ng Tsina, ang mga magsasaka na magsagawa ng intelligentized ecological planting. Hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 41,300 hektarya ang lawak ng pinagtataniman ng mga ecological agricultural products, bagay na nakakapagpalaki ng kita ng mga magsasakang lokal.
Ang ecological planting ay isang agriculture development model na sumusunod sa mga prinsipyo ng ecology at ecological economics at ginagamit ang teknolohiya ng modernog siyensiya. Ang paunang kondisyon nito'y pangangalaga at pagpapabuti ng kapaligirang ekolohikal sa pamamagitan ng agrikultura.
Salin: Li Feng