|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Gao Pu, Kinatawan ng Kongresong Bayan ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina, at Pirmihang Pangalawang Direktor ng Komisyong Tagapamahala ng Sonang Industriyal ng Tsina at Malaysia sa Qinzhou, na pagkaraan ng ilang taong pag-unlad, pumasok na sa bagong yugto ang mabilis na pag-unlad ng nasabing proyekto. Aniya, hanggang sa ngayon, lampas na sa 90 proyektong industriyal ang pumasok at pinag-uusapan sa Qinzhou Industrial Zone ng Tsina at Malaysia, at ang mga ito ay may-halagang mahigit 88 bilyong Yuan, RMB. Ginagawang pokus ng sonang ito ang mga industriyang gaya ng bioteknolohiya, bagong enerhiya, pagtitipid ng enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran.
Bilang sister industrial zone ng China-Malaysia Qinzhou Industrial Zone, isinusulong nang sabay ang Malaysia-China KuantanIndustrial Zone.
Makaraang itatag ang China-Singapore Suzhou Industrial Zone at China-Singapore Tianjin Eco-city, ang nasabing dalawang sona ay ikatlong sonang industriyal na magkasamang itinatag ng pamahalaang Tsino at dayuhan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |