Martes, Enero 30, 2017, ipinahayag ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na mainit na tatanggapin ng Tsina, tulad ng dati, ang mga bahay-kalakal ng iba't ibang bansa na mamuhunan at pasimulan ang negosyo sa Tsina. Patuloy din aniyang lilikhain ang mas makatwiran, malinawag at matatayang kapaligiran ng pamumuhunan at pamamalakad para sa kanila.
Winika ito ni Hua bilang tugon sa isang ulat na inilabas nang araw ring iyon ng American Chamber of Commerce in China o AmCham China. Anang ulat, positibo sa prospekt ng paglago ng kabuhayang Tsino ang karamihan ng mga bahay-kalakal ng Amerika, pero inihayag din ng ilang bahay-kalakal na tinanggap nila ang di-makatarungang trato. Kaugnay nito, ipinahayag ni Hua na pagkaranas ng maraming taong pag-unlad, may humigit-kumulang 400 milyong tao na middle income group sa Tsina, at mabilis na lumalaki pa rin ang datos na ito. Pinakamalaki sa buong mundo ang bilang ng middle income group ng Tsina, bagay na humantong sa napakalaking pamilihang panloob, at nagkakaloob ng malawakang pagkakataon at espasyong pangkaunlaran para sa mga bahay-kalakal ng iba't ibang bansa na kinabibilangan ng Amerika.
Binigyang-diin ni Hua na ang kasalukuyang taon ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas. Patuloy na pasusulungin aniya ng Tsina ang komprehensibong pagbubukas sa labas, malaking paluluwagin ang market access, at palalawakin ang pagbubukas sa labas ng industriya ng serbisyo, lalung lalo na, industriyang pinansyal.
Salin: Vera