Ipinahayag Enero 29, 2018 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kung magiging mas bukas ang atityud ng Hapon sa "Belt and Road Initiative" ay makakatulong ito hindi lamang sa relasyong Sino-Hapones, kundi maging sa pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.
Winika ito ni Hua bilang tugon sa pakikipag-usap ni Ministrong Panlabas Taro Kono ng Hapon kamakailan sa Beijing sa Chinese counterpart hinggil sa mga isyung may-kinalaman sa konstruksyon ng "Belt and Road," at positibong pahayag ni Punong Ministrong Shinzo Abe ng Hapon tungkol sa usaping ito.
Ipinahayag ni Hua na ang "Belt and Road Initiative" na itinataguyod ng Tsina ay makakatulong sa pinalawak na pag-unlad ng mga may-kinalamang bansang kinabibilangan ng Hapon, sa hinaharap.