Ipinahayag Martes, Enero 30, 2018, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ang kahandaan ng panig Tsino na palakasin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkoordinahan sa iba't ibang panig na kinabibilangan ng Singapore, para matapos ang talastasan sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa lalong madaling panahon, at bigyan ng ambag ang proseso ng integrasyon ng kabuhayang rehiyonal.
Nang kapanayamin kamakailan ng mamamahayag, ipinahayag ni Chan Chun Sing, Ministro ng Prime Minister's Office ng Singapore, na ang priyoridad ng mga tungkulin ng ASEAN at Tsina sa kasalukuyang taon ay tapusin ang talastasan sa RCEP. Kaungay nito, sinabi ni Hua na alam ng panig Tsino ang kaukulang pahayag ni Ministro Chan, at winewelkam ito.
Aniya, palagiang lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang talastasan sa RCEP, at buong tatag na kakatigan ang pagpapatingkad ng ASEAN ng nukleo at namumunong papel. Nakahanda aniyang palakasin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkoordinahan sa iba't ibang panig na kinabibilangan ng panig Singaporean, upang ipatupad ang mga narating na komong palagay sa kauna-unahang RCEP Summit noong nagdaang Nobyembre, tapusin sa lalong madaling panahon ang talastasan, at gawin ang ambag para sa integrasyon ng kabuhayang panrehiyon.
Salin: Vera