Setyembre 11, 2017--Ipinalabas ang magkasanib na pahayag ng ika-5 Pulong na Ministriyal ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa Manila. Ayon sa pahayag, narating na ang pagkakaisa ng iba't ibang kalahok na panig hinggil sa nukleog elemento, at may pag-asang matatamo ang mahalagang bunga sa taong ito.
Pinapuri ni Ramon Lopez, Philippine Trade Secretary ang pagsisikap ng Tsina para sa talastasan ng RCEP. Aniya, nagpapakita ang mga kalahok na kinatawan ng Tsina ng taimtim na mithiin ng kooperasyon.
Noong Nobyembre ng 2012, sa Ika-21 Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ipinatalastas ng mga lider ng 10 bansang ASEAN at 6 na dialogue partner nito na kinabibilangan ng Australia, China, India, Japan, Korea at New Zealand ang pagsimula ng talastasan sa RCEP.
salin:Lele